Posts tagged Sha's thoughts.

Sabi nga nila, masarap daw magmahal. Masarap yung feeling na minamahal. Pero, may mga nagsasabing masakit din. Bakit? Kase yung iba, mahal nga nila tapos hindi naman sila mahal. Yung iba naman sabi nila, Masarap daw na nasa isang relasyon ka. Pero, may iba ring nagsasabi na hindi. Eh bakit nanaman ba? Kasi daw nakakasawa. Nagsasawa daw sila na palagi na lang ganun yung mga nangyayari araw araw. Yung iba naman, imbis na yung karelasyon nila yung nagpapasaya sa kanila, may ibang taong tumutugon ng pagkukulang nung karelasyon nila. Ganyan daw kase ang love. May ups and downs. Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan may lumuluha, minsan may nangiiwan. Pero, bakit nga ba binigyan tayo ni God ng karapatan magmahal?  Syempre, para matuto. Para maging independent. Para maging isang mabuting tao. 

May kwento ko. Kasi ganito yun, may isa akong friend. Iniwan sha ng boyfriend niya. Syempre, umiyak lang siya ng umiyak. Hanggang sa isang araw, bigla niya ko tinext. Sabi niya, “Sha, pwede ka ngayon? Samahan mo ko. Shopping tayo, treat ko.” Nagulat ako. Kase, etong friend ko na ‘to, 1 month bago makapag move on kapag broken sha. Pero ngayon, 1 week pa lang ang nakakaraan, nagyayaya na magshopping. So, pumayag naman ako. Nagkita kami nun sa Rockwell mga 4pm. Sabi niya, nasa Lulu Belle daw siya so dun ko siya pinuntahan. Pagpasok ko ng Lulu Belle, nakita ko siya nakaupo dun. Nakita niya ko at nginitian. Sabi niya, “Hi, Sha! Long time ah.” Napangiti ako at sabi ko, “Sus, long time daw eh kakakita lang natin last week. Oh, ano nang balita? Parang di ka na broken ah.” Ngumiti sha lalo sakin at biglang sabi, “Natuto na kasi ako.” Nagtaka ko, “Panong natuto?” at sagot naman niya, “Ayoko kasing paulit ulit na lang akong umiiyak. Nalaman ko na mas importante yung buhay ko kaysa sa kanya. Masaya ngumiti. Ayokong umiyak.” At dahil sa sinabi niya, lalo akong napangiti. 

Kita mo, hindi naman kasi dapat umiyak tayo at magkulong sa kwarto tapos makinig ng mga kantang malungkot. Ang dapat natin gawin, magpakasaya. Tapos na eh, ano pa ba’ng magagawa mo, diba. Mahal mo, di ka naman mahal. Maghanap ka na lang ng iba. Yung mas worth it. Yung mas sasaya ka. Wala shang effort sa relasyon niyo pero mahal mo kahit na ganun? Nagpapakatanga ka lang sa kanya. Pakawalan mo na lang siya. Hindi ka masaya sa relasyon niyo? Bigyan mo muna siya ng time. Malay mo, may gagawin siyang special para sayo. Sa pagmamahal, Uso yung tanga. Uso yung nagiintay sa wala. At uso yung nasasaktan. Pero kahit na ganun, sana natututo kayo sa mga pagkakamali niyo. Ang pagmamahal ay isang pagsubok. Isang malaking pagsubok na dapat lampasan ng tao. Hindi ka man bigyan ng Diyos ng lovelife ngayon, pero alam ko na may ibibigay siyang mas special sayo. Kaya, ngiti lang. Wag na’ng malungkot. Magpakasaya ka muna. Tutal, Summer naman eh. :)